Apektado nang kabiguang maipasa ang 2019 national budget ang mga bagong infrastructure projects sa unang quarter ng susunod na taon.
Ipinabatid ito ni Deparmtent of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil hindi maaaring tapusin at pondohan ang kaparehong proyekto.
Bukod sa infrastructure projects, sinabi ni Diokno na hindi rin maibibigay ng gobyerno ang ika-apat na trench ng salary standardization law o dagdag suweldo ng mga sibilyan at military personnel na nagtatrabaho sa gobyerno.
Gayunman, tiniyak ni Diokno na hindi maapektuhan ang mga malalaking proyekto ng gobyerno tulad nang pagpapatayo ng subway pati na ang rehabilitasyon ng Philippine National Railways (PNR).
Hindi rin aniya maaapektuhan ang internal revenue allotment para sa local government units na aabot sa P600 billion gayundin ang personal wages at maintenance sa susunod na taon.