Binigyang-diin ni Professor Astro Del Castillo na hindi maganda para sa ekonomiya ng Pilipinas ang kasalukuyang ingay sa pulitika.
Bukod aniya sa distraction ito para pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang bagay tulad ng pagkain at kuryente, apektado rin nito ang paglalagak ng mga investment sa bansa.
Ibinunyag ng Ekonomista na may mga investor na nagpakita ng interes na maglagak ng puhunan sa pilipinas ngunit binawi dahil sa ingay-pulitika.
Bukod sa kontrobersya sa 2025 national budget, pinatindi ba aniya nito ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte na hindi naman isinulong ng mga Pilipino, kundi ng mga pulitiko. – Sa panulat ni Laica Cuevas