Inaprubahan na ng Chinese drug regulators ang kauna-unahang inhalable COVID-19 vaccine.
Gawa ito ng Tianjin-based manufacturer na Cansino Biologics.
Ayon sa kumpanya, binigyan ng go-signal ng National Medical Products Administration ang Emergency Use ng naturang bakuna bilang booster.
Mas madaling anilang iimbak at i-administer ang naturang needle-free vaccine kumpara sa intramuscular jabs, na ibinibigay sa pamamagitan ng nebulizer.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang Cansino Biologics kung kailan magiging available sa publiko ang adenovirus-vectored vaccine.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na datos kaugnay sa efficacy ng bagong bakuna.