Malaki ang potensyal ng bagong inhalable COVID-19 vaccine na makatulong sa mga Pilipinong labanan ang nasabing sakit.
Binigyang diin ito ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng vaccine expert panel subalit hindi pa aniya nagpa-file ang Cansino Biologics ng Emergency Use Authorization (EUA) sa FDA.
Ayon kay Gloriani, sa halip na i- injection, ipapadaan ang gamot sa ilong o bunganga kung saan din normal na pumapasok ang virus o natural infection.
Tinukoy ni Gloriani ang magandang proteksyong ibinibigay ng nasabing inhalable na booster sa Omicron variant, base na rin sa pagkukumpara ng mga expert sa iba pang injectable.
Gayunman, sinabi ni Gloriani na kailangan pa ng mas maraming pag-aaral kung uubrang gamitin ang nasabing inhalable vaccine sa mga may asthma.