Kinilig ang fans ng love team nina Iñigo Pascual at Maris Racal matapos ang ‘sweet moment’ ng dalawa sa ASAP, kahapon.
Dito kasi pormal na tinanong ni Iñigo si Maris kung papayag itong maka-date niya sa taunang Star Magic Ball, na nilalahukan ng mga bigating artista.
Lumuhod si Iñigo at naglabas pa ng rosas na tila ikinabigla naman ni Maris.
Hindi naman nakatanggi ang ‘blushing’ na si Maris at sinabing: “Bakit naman hindi?”
Una nang pinag-usapan ang ‘sweet tweets’ ni Iñigo sa Twitter sa pag-imbita kay Maris mula naman sa pelikulang “100 Tula Para Kay Stella” na naging inspirasyon ng binata na gumawa ng ‘100 Tweets Para Kay Stella.”
Mariestella ang tunay na pangalan ni Maris.
Tila makikita na ang pagiging malapit ng dalawa sa haba ng naging birthday message ni Maris kay Iñigo.
AR / DWIZ 882