Ibinasura ng Court of Appeals ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni US Marine, Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na akusado sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City, noong October 2014.
Sa 12-pahinang resolusyong pinonente nina Associate Justices Marlenez Gonzales-Sison, Ramon Cruz at Henri Jean Paul Inting, pinagtibay ng 16th Division ng CA ang desisyon nito noong April 3 na hatulan ng guilty sa kasong homicide si Pemberton.
Ibinasura rin ng korte ang partial motion for reconsideration ng Solicitor General na nagigiit na walang karapatan si Pemberton sa preventive imprisonment sa mga panahong inilagi nito sa piitan dahil hindi naman ito boluntaryong sumunod sa mga kautusang ipinapataw sa mga convicted prisoner.
Ipinunto pa ng Appellate Court na ang mga argumentong iprinesenta mga ordinaryong “rehash” lamang ng mga issues na tinalakay sa kanilang April 3, 2017 decision.
Nirerespeto aniya nila ang mosyon ng Amerikanong sundalo pero pinaninindigan nila ang kanilang pasya na ang pag-amin ni Pemberton na self-defense ang kanyang nagawa ay pag-amin din sa pagpatay kay Laude.
Gayunman, hindi nilinaw ng CA na hindi dapat bigyang bigat ang “self-defense” na ginawa Pemberton dahil hindi naman nito napatunayang inatake siya ng biktima at nalagay sa panganib ang kanyang buhay nang maganap ang insidente.
By Drew Nacino