Sinimulan ng basahin at repasuhin ni Senate Ethics Committee Chairman at Majority Floor Leader Tito Sotto ang inihaing ethics complaint ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senator Panfilo Lacson.
Ayon kay Sotto, daraan ang reklamo ni Faeldon sa normal na proseso kung saan pagkatapos mabigyan ng kopya ang lahat ng miyembro ng kumite ay tsaka magpapasya kung sufficient ba ito in form and substance.
Samantala, inihayag ni Senator Panfilo Lacson, Vice Chairman ng Ethics Committee na mag-i-inhibit siya sa deliberasyon ng complaint na kanyang kinakaharap.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE