Binatikos ng kampo ng radio host at kolumnistang si Jobert Sucaldito ang inihaing kasong libelo ng singer na si erik santos.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Jobert, ang inihaing kaso ni Santos ay indikasyon nitong patahimikin ang kanyang kliyente bilang isang mamamahayag.
Ang kaso ay nag-ugat sa mga pahayag sa social media ni jobert na bakla umano si Erik at nasangkot pa sa ilang malalaswang gawain.
Tila pinalalabas anya ni santos na ang pagtawag sa kanya na “bakla” ay isang uri ng pang-i-insulto o sakit.
Iginiit ni Topacio na sa panahon ngayon ay hindi na maituturing na derogatory term o mapang-insulto ang salitang “bakla” bagkus ito ay isang uri ng sexual preference kaya’t maaaring hindi lamang ang mga miyembro ng third sex partikular ang mga bakla ang nainsulto ng mang-aawit kundi ang mga LGBT community sa buong mundo.
By Drew Nacino