Labag sa konstitusyon at maituturing na harassment sa media ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN.
Ayon ito kay Congressman Rufus Rodriguez, isa sa mga may akda ng panukalang irenew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Malinaw anya sa konstitusyon ang pagkakahati-hati ng kapangyarihan at hurisdiksyon ng executive, legislative at judiciary.
Nagpahayag ng pagasa si Rodriguez na igagalang ng Korte Suprema ang separation of powers at kilalanin ang hurisdiksyon at karapatan ng Kongreso na magkansela, magbigay at magrenew ng prangkisa.