Mapanganib na sundan ang quo warranto petition na inihain ng Solicitor General laban sa ABS-CBN.
Ayon kay House deputy speaker Johnny Pimentel, posibleng maging daan ito upang lalong lumakas ang loob ng Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng mga kaso kung may interes sila sa iba pang mga kumpanya.
Nangangamoy krisis rin anya sakaling maaprubahan sa kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN at pinagbigyan ng Korte Suprema ang quo warranto petition ng OSG.
Gayunman, aminado si Pimentel na bagamat noong nakaraang taon pa mayroong nakahaing panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi pa ito inaaksyunan ng committee on legislative franchises.