Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang inihaing reklamo laban sa mga di umano’y iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa ICC, hindi sakop ng kanilang territorial o personal jurisdiction ang mga krimen na di umano’y nagawa ng China.
Maliban dito, hindi kabilang ang China sa rome statute , ang international treaty na gumagabay sa ICC.
Matatandaan na ang kaso laban sa China ay inihain sa ICC nina dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario at dating ombudsman Conchita Carpio.