Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang limang indibidwal na umano’y nagpakalat ng litrato ng mga bangkay ng nawawalang sabungero sa social media.
Ayon kay Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Brig. Gen. Robert Rodriguez, nadiskubre nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek matapos ang ginawang backtracking.
Giit ni Rodriguez, hindi dapat nagpapakalat ng ganitong mga maling balita sa social media dahil nakakadagdag lamang ito sa nararanang lungkot at paghihirap na nararamdaman ng pamilya ng mga biktima.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sasampahan ng kaso ang limang indibidwal pero tiniyak ng pnp na patuloy ang gagawing pagmo-monitor ng cyber patrollers.
Una nang sinabi ng pnp na ang kumalat na litrato ng mga bangkay ay kuha sa ambush incident sa Barangay Kalumanis, Guidulungan, Maguindanao noong nakaraang Linggo. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles