Umabot na sa walong pormal na kaso ng pagkawala ng mga sabungero ang iniimbestigahan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG.
Sangkot sa kasong ito ang pagkawala ng nasa 34 na sabungero sa bansa.
Ayon kay CIDG director police brigadier general Eliseo Cruz, naganap ang pagkawala mula Abril 18, 2021 hanggang Enero 13, 2022.
Kasama sa case one ang pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena sa Sta. Ana, Maynila.
Nitong nakaraang linggo, kabuuan ng walong suspek ang natukoy ng PNP hinggil sa kaso.—-sa panulat ni Abby Malanday