Aabot sa 10 bilyong piso ang inilalaang budget ng pamahalaan para sa gaganaping APEC Summit ngayong buwan.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor Jr., Director General ng APEC 2015 National Organizing Council o NOC, ito’y itinuturing na isang long-term investment ng gobyerno.
Inaasahang dadalo sa Summit ang 21 lider mula sa iba’t ibang nasyon na kinabibilangan ng Estados Unidos, Russia, Japan at China.
Nilinaw naman ni Paynor na maliit lang ang pondong ito kung ikukumpara sa nagastos ng ibang bansa na nag-host na ng APEC Meeting.
Tatalakayin sa APEC Summit ang mga usaping pang-ekonomiya sa Asia-Pacific Region.
By Jelbert Perdez