Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot sa P641.5 billion ang halaga ng inilaang pondo para sa national infrastructure ng bansa mula buwan ng Enero hanggang Setyembre.
Nabatid na nahigitan ng naturang numero ang nakaprogramang paggasta para sa nine-month period na P589.3 billion ng P52.2 billion o 8.9%.
Kabilang sa mga proyekto ng pamahalaan ay ang aviation and rail transport foreign-assisted tulad ng Tacloban, Kalibo at Bukidnon airport projects, at Metro Manila Subway Project Phase I.