Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa mga kasamahan niya sa senado na imbestigahan ang usapin hinggil sa mga inilabas na adminsitrative order ng Phiippine Ports Authority (PPA).
Ito’y may kaugnayan sa pagtatatag ng port terminal management regulatory framework na nagtatakdang ibigay sa mga partido ang pamamahala sa mga pantalan na mag-aalok ng mas mataas na concession fees sa mga public bidding.
Ayon kay Hontiveros, tiyak na maraming kabuhayan at trabaho ang mawawala gayundin ay matindi ang magiging epekto ng nasabing kautusan sa industriya ng shipping sa bansa.
Giit pa ng Senador, kailangang makapaglatag muna ng ibayong konsultasyon ang PPA sa mga stakeholder nito bago ipatupad ang naturang administrative order.