Pumalag ang tatlong mambabatas mula sa oposisyon sa pinalutang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kaugnay ito sa umano’y pakikipag pulong sa mga lokal na opisyal ng Marawi at Lanao del Sur nuong Mayo 2 o dalawang linggo bago sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar sa nasabing lugar.
Kapwa tinawag na fake news nila Senador Bam Aqquino, Antonio Trillanes at Magdalo Rep. Gary Alejano ang pahayag ni Aguirre.
Giit ni Alejano, malabo aniyang nagtungo siya ng Marawi dahil nasa presscon siya ng oposisyon at dumalo pa sa sesyon ng Kamara sa nasabing petsa.
Sa panig naman ni Aquino, Mayo 19 siya nagtungo sa Marawi para sa paglulunsad ng Negosyo Center sa ARMM kasama pa si DTI Secretary Mon Lopez.
Binanatan naman ni Trillanes si Aguirre dahil sa paniniwala sa mga tsismis gayung tatlong taon na siyang hindi napupunta sa Marawi.
Ayaw namang patulan ni dating Presidential Adviser Ronald Llamas ang pinalutang ni Aguirre na aniya’y isang malaking kasinungalingan.
By: Jaymark Dagala