Nagdulot ng takot ang ginawang pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalan ng mga mambabatas na sangkot umano sa kurapsyon kahit wala pang matibay na ebidensyang nagpapatunay nito.
Ito ang inihayag ni dating Ifugao Representative Teodoro “Teddy” Baguilat Jr. na kabilang rin sa mga pinangalanan ni Pangulo na umano’y tumatanggap ng kickback sa mga construction project sa nasabing lalawigan.
Giit ni Baguilat nagbigay lamang ito ng takot sa taumbayan, sa boses ng oposisyon at ng kongreso sa paggawa ng kanilang trabaho bilang isang institusyong gumagawa ng pagsusuri at pagbalanse ng kapangyarihan.