Lumobo na sa P3 bilyon ang nagastos ng gobyerno sa pagpapauwi sa mga inabusong Filipino worker mula Saudi Arabia.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa gitna ng ikinakasang panibagong total deployment ban sa mga OFW sa naturang bansa.
Ayon kay Bello, simula pa lamang noong Agosto 2016 ay mayroon ng mga Pilipinong hindi pinasuweldo ng kanilang mga employer kaya’t ini-repatriate ang mga ito.
Lumikha anya sila ng Special Power of Attorney upang makapag-file ng claims sa korte ang abogado ng mga inabusong OFW, bagay na kanilanamang ikina-panalo.—sa panulat ni Drew Nacino