Iginagalang ng Malakaniyang ang desisyon ng Korte Suprema na pagpigil sa paglilitis ng Sandiganbayan sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Benigno Noyno Aquino the Third.
Ito’y may kaugnayan sa Mamasapano Encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force.
Nakatakda sana sa February 15 ang pagbasa ng sakdal kay Aquino para sa kasong usurpation of authority at graft.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kanilang inirerespeto ang desisyong ito ng kataas-taasang hukuman.
Naglabas din ng temporary restraining order ang Korte kontra sa resolusyon ng ombudsman na nagbabasura sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas Jr.
Posted by: Robert Eugenio