Dumistansya ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa paglalagay ng mga tarpaulin na nagdedeklara ang mga komunistang rebelde bilang persona non grata sa Metro Manila.
Sinabi ni NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy na kahit hindi ang task force ang nasa likod ng mga tarpaulin na ito suportado aniya nila ang mensahe ng galit laban sa communist terrorist group.
Hindi aniya gawa ng task force ang nasabing hakbangin dahil luma na ang ginamit na logo ng NTF-ELCAC sa naturang tarpaulin at walang karapatan ang task force na ideklarang persona non grata ang sinumang tao dahil ang hakbang ay nagmumula lamang sa mga tao at kabilang dito ang CPP NPA NDF.
Naniniwala naman si DILG Secretary Eduardo Año na ilang grupo na sumusuporta sa task force ang maaaring nasa likod nang pagkakabit ng naturang tarpaulin.