Nasiyahan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilatag na seguridad ng mga tagapagpatupad ng batas sa paggunita ng bansa sa Undas.
Ito ang dahilan ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella kaya’t hindi na nag-abala pa ang Pangulong Rodrigo Duterte na maglibot sa iba’t ibang sementeryo saan mang panig ng bansa.
Bagama’t nakatakdang bumisita ang pangulo sa libingan ng kaniyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City, hindi ito natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon.
Maliban sa mga sementeryo, nakakalat din ang mga tauhan ng pulisya katuwang ang AFP sa mga paliparan at pantalan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo’t nagbabalik Maynila na ang mga bakasyunistang nagsi-uwi mula sa mga lalawigan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping