Nababahala si Sen. Francis Kiko Pangilinan sa inilabas listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa mga UP graduates na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) kung saan ang iba raw ay naaresto o napatay sa combat operations.
Ani Pangilinan, tila may umiiral nang unprofessionalism at pamumulitika sa AFP.
Aniya dapat tandaan na ang politicized at unprofessional armed forces noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang siyang naging dahilan ng pagkaka-watak-watak at coup plots nung dekada ’80 at ’90.
Giit ni Pangilinan, bagamat humingi na ng paumanhin ang AFP sa mga kasama sa nasabing listahan, dapat aniyang seryosohin ng pamunuan ng AFP na walang puwang ang unprofessionalism at incompetence sa kanilang hanay. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)