Nasa 1k katao na ang inilikas sa gitna ng pag-a-alburoto ng Cumbre Vieja volcano sa Canary Islands, Spain.
Nagbuga ng lava at makapal na usok ang nasabing bulkan na matatagpuan sa isla ng la palma matapos mahigit 20k pagyanig.
Inabisuhan naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sánchez ang mga residente lalo ang mga nasa paanan ng bulkan na lumikas agad upang maiwasan ang mass casualty.
Ipinagpaliban din ni Sanchez ang kanyang pagbiyahe sa New York, USA para sa UN General Assembly sa halip ay tututukan na lamang ang sitwasyon sa la palma.
Taong 1971 pa noong huling sumabog ang Cumbre Vieja kung saan isa ang nasawi.—sa panulat ni Drew Nacino