Binawasan ngayon ng militar ang kanilang mga inilulunsad na airstrike sa Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ito ay dahil konti na lamang ang mga lugar na pinagtatagunan ng mga terorista.
Aniya, ginagamit lamang ang airstrike kung hirap ang militar na asintahin gamit ang mga baril at kanyon ang puwesto ng mga kalaban.
Dagdag pa ni Arevalo, isang magandang senyales ito na nangangahulugang malapit na matapos ang gulo sa Marawi City.
By Krista de Dios | (Ulat ni Jonathan Andal)