Isang “Shoe Parade” ang inilunsad ng iba’t ibang grupo sa lungsod ng Marawi upang makuha ang atensyon ng pamalahaan sa kalagayan ng mga residente na nakatira pa rin sa mga temporary ahelters.
Para sa mga lumahok sa event, ang mga sapatos ay simbolo ng mga sibilyan na naapektuhan ng digmaan sa Marawi noong Mayo 2017.
Sinasabing pinangunahan ng Marawi Development Assistance Team ang pangongolekta ng higit 1,000 pares ng mga luma nang sapatos bago inilatag sa Sarimanok-Sagonsongan Diversion Road.
Nanawagan ang mga residente na payagan na silang makauwi sa kanilang mga bahay sa 24 na barangay na kasama sa “most affected areas” sa naturang lungsod.