Tumaas ng 31 porsyento ang iniluwas na produkto ng Pilipinas patungong European Union nuong nakaraang taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na umabot sa 8.4 Bilyong Piso ang kinita ng bansa mula sa mga iniluwas na produkto.
Ilan sa mga produktong iniluluwas ng bansa patungong E.U. ay mga karne ng hayop , isda , mga prutas , piyesa ng sasakyan , sapatos at tsinelas.
Sa ngayon ang E.U. na ang ikatlong pinakamalaking ‘trading partner’ ng bansa.