Kinumpirma ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval na sinuspinde na ang inirereklamong warden ng mga bilanggo sa city jail.
Ayon kay Mayor Sandoval, pinatawan ng preventive suspension ang warden na si Jail Superintendent Joseph Tacdoy habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.
Dagdag pa ng alkalde, na naibalik na sa maayos ang loob ng city jail at makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan para masiguro na napapanatili ang peace and order sa loob ng kulungan.
Magugunitang nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 23, nagsagawa ng noise barrage ang mga bilanggo upang mapatalsik ang kanilang warden.
Dahil dito, nagkalat sa social media ang mga litrato kung saan makikita ang mga preso na may hawak na mga placard na nakasaad ang kanilang hinain. -sa panunulat ni Jenn Patrolla