Ipinapaubaya na ni Senador Cristopher ‘Bong’ Go sa korte ang pagpapasya sakaling may ihaing kaso laban sa kanya.
Ito ay matapos ang rekomendasyon ng House Quad Committee na kasuhan siya, si dating pangulong Rodrigo Duterte, Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at iba pang mga dating opisyal ng paglabag sa crimes against humanity.
Ayon kay Senador Go, noon pa sinasabi ni dating pangulo Duterte na dalhin na lamang sa korte ang mga kaso sa halip na magsagawa ng serye ng imbestigasyon ang QuadComm.
Kwestyunable pa aniya ang sinabi ng QuadComm na huwag idamay ang mga walang kinalaman gayong ang rekomendasyon nito ay ’tila dala ng mga sabi-sabi at walang katibayan. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)