Naniniwala ang isang Russian aviation official na sa himpapawid pa lamang sumabog na ang Russian airliner airbus A-321 na bumagsak sa Egypt noong Sabado.
Ito ang sinabi ni Viktor Sorochenko, isang opisyal kasama ng Intergovernmental Aviation Committee matapos ang isinagawang imbestigasyon sa Sinai Peninsula ng bumagsak na charter plane na ikinamatay ng 224 na pasahero.
Gayunman, maaga pa raw para gumawa ng konklusyon sa pagbagsak ng eroplano.
Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang black boxes ng airbus a-321 kogalymavia flight 9268 at patuloy na itong iniimbestigahan.
Una rito, batay sa flight radar 24 na nag-track sa flight 9268, pagsapit ng eroplano sa altitude na 30,000 ft. ay nagkaroon ito ng problema.
By Mariboy Ysibido