Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang inisyal na listahan ng election hotspot para sa 2016 elections.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, patuloy ang kanilang trabaho sa inisyal na listahang binuo ng PNP Director for Intelligence dahil kada linggo aniya ay nagbabago ang sitwasyon.
Pero, hindi pa nito matukoy kung kailan nila mailalabas ang kumpletong listahan ng election hotspots sa bansa.
Dagdag pa ni Marquez, nakikipag-ugnayan na rin sila sa COMELEC ukol sa kanilang ilalatag na seguridad sa Halalan 2016.
Sa katunayan aniya, nakipagpulong na sa kanila si COMELEC Chairman Andy Bautista at iba pang opisyal nito kasama ang mga miyembro ng AFP.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal