Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang inisyal na listahan ng election hotspots sa bansa para sa 2016 elections.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, kabilang sa itinuturing nila na areas of immediate concern ay ang mga lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Samar, Maguindano at Lanao del Sur.
Kaugnay nito, daragdagan ng PNP ang kanilang puwersa at logistics sa mga nabanggit na lugar.
Tatlong kategorya ang kanilang pinagbasehan upang ilagay sa election hotspot ang isang lugar at ito ay kung mayroong political rivalry o mainit na labanan ng magkakatunggaling kandidato;
Mayroong threat groups o mga bandidong grupo at private armed groups o PAG’s at kung magkasama ang dalawang nabanggit na kategorya sa iisang lugar.
By Drew Nacino | Jonathan Andal