Nakatakdang ilabas ng Commission on Elections o COMELEC ang paunang listahan ng mga opisyal na kakandidato sa pagkapangulo sa 2016 elections.
Ito’y makaraang ipagpaliban ng En Banc ang paglalabas ng listahan bunsod ng mga nakabinbing kaso ng ilan sa mga presidentiables.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, halos malapit na sa pinal na listahan ang kanilang ilalabas na inisyal na listahan.
Sa Disyembre 23, araw ng Miyerkules ilalabas ang nasabing listahan na dapat sana’y noong Disyembre 15 pa inilabas.
Gayunman, paglilinaw ng poll chief, posibleng magbago pa ang ilalabas nilang listahan hanggang Enero 8 depende sa kahihinatnan ng mga inihaing kaso laban sa ilang mga nagnanais maging pangulo.
By Jaymark Dagala