Pumalo na sa 141.38 million pesos ang pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura ng bansa.
Sa inisyal na datos ng Department of Agriculture (DA), sakop ng pinsala ang 16,229 ektaryang pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos region, Central Luzon at CALABARZON.
Katumbas ito ng 5,866 metriko toneladang nasirang pananim na kinabibilangan ng bigas, mais at high-value crops na nakaapekto sa higit pitungraang magsasaka.
Bilang solusyon, posibleng makipag-ugnayan ang DA sa survival and recovery o sure program ng Agricultural Credit Policy Council, para sa 500 million pesos na halaga ng quick response fund.