Ikinalugod ng Malakanyang ang inisyatiba ng Korte Suprema na kasuhan ang isang judge sa Baguio City na nasa Narco-List ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magandang simula ito dahil ang kampanya laban sa iligal na droga ay hindi lamang kampanya ng Pangulo.
Kailangan anya ang kooperasyon ng lahat ng nasa gobyerno, pribadong sektor at civil society upang maging matagumpay ang anti-illegal drugs campaign.
Batay sa rekomendasyon ng Korte Suprema, pinasasampahan ng kasong administratibo si Judge Antonio Reyes ng Baguio City Regional Trial Court branch 1 dahil sa katiwalian.
Si Reyes ang isa sa mga unang hukom na pinangalanan ng Pangulo sa narco list na protektor umano o kung hindi man ay sangkot sa illegal drugs trade.
By: Drew Nacino