Posible pang tumindi ang nararanasang init ng 4 na lalawigan sa Central Luzon, ang Aurora, Bataan, Zambales at Nueva Ecija na isa sa pangunahing supplier ng bigas sa bansa sa mga susunod na buwan bunsod ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ana Solis, PAGASA Assistant Weather Services Chief na batay sa monitoring ng weather bureau magkakaroon ng land impact ang El Niño.
Naka-stand by naman ang mga cloud seeding operations upang makapagpa-ulan at matulungan ang mga magsasaka ngayong panahon ng tag-init.
‘Yan ang tinig ni Ana Solis, PAGASA Assistant Weather Services Chief sa panayam sa programang balitambayan na mapapanood at mapapakinggan sa Aliw 23 at DWIZ mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 12 p.m. hanggang 1 p.m.