Makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, dahil ito sa easterlies o yung mainit na hangin na galing sa dagat pasipiko.
Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa labas ng bansa, kaya asahan ang katamtamang ganda ng panahon lalo na sa parte ng Luzon.
Inaasahan namang uulanin ang Eastern Visayas at Caraga Region dahil sa Intertropical Convergence Zone.