Bahagyang bumaba ang heat index o naramdamang init sa Metro Manila kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa 34.6 degrees celcius ang aktuwal na temperatura habang naglalaro naman ang heat index sa pagitan ng 38 degrees celcius hanggang 40 degrees celcius.
Noong Huwebes, pumalo sa 35 degrees celcius ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila habang nasa 41 degrees celcius naman ang heat index.
Muling ibinabala ng PAGASA na mapanganib sa kalusugan ang 31 hanggang 41 degrees celcius na heat index.
By Meann Tanbio