Asahan na ang mas mainit pang panahon sa Metro Manila sa buwang ito.
Ito ang babala ng PAGASA sa mga taga-Metro Manila dahil posibleng pumalo sa 38 degrees Celsius ang temperatura sa kalakhang Maynila.
Samantala, ipinabatid ni Analiza Solis, Hepe ng Climate Impact Monitoring and Prediction Section ng PAGASA na inaasahan namang papalo sa 39.5 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao, Cagayan.
Sinabi ni Solis na ang mainit na panahon ay dulot ng El Niño phenomenon na patuloy na mararanasan sa mga susunod pang buwan.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa heat stress at tipirin ang paggamit ng tubig.
Ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila ay naitala sa 38.5 degrees Celsius noong May 14, 1987 samantalang nasa 42.2 degrees Celsius sa Tuguegarao City na naramdaman noong May 11, 1969.
—-