Umabot na sa $10 billion ang initial economic loss sa Pakistan sa mga imprastraktura sa Pakistan bunsod ng malakas na pagbaha.
Sinabi ni planning minister Ahsan Iqbal na maaaring abutin ng hanggang limang taon upang ma-rehabilitate ang bansang may 200 milyong katao.
Nagresulta rin ng pagkasira ng mahigit 3,000 kilometrong kalsada, 130 tulay, at 495,000 bahay.
Ayon naman sa Philippine Embassy sa Tripoli, walang Pilipino ang naulat na napuruhan o nasawi.
Samantala, batay sa datos ng gobyerno ng Pakistan, umakyat na sa 1,136 ang death toll sa Pakistan kung saan, 386 dito ay mga bata habang 1,634 naman ang sugatan.