Sumampa na sa mahigit P6 na bilyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Nona sa imprastraktura at agrikultura.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking nagtamo ng pinsala partikular sa sektor ng agrikultra ang Mimaropa region na umabot sa P1.6 na bilyong piso.
Malaki rin ang pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura sa Eastern Visayas na umabot sa P1.7 bilyong piso.
Kabuuang 246,000 bahay naman ang nawasak o napinsala sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5 at 8.
By Drew Nacino