NAGING panauhing pandangal si SEAMEO INNOTECH Director Leonor Magtolis-Briones sa 12th annual Ambassador Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon na ginanap kamakailan sa Bulwagan ng Karunungan, Department of Education (DepEd), Pasig City.
Ang Marylindbert International, katuwang ang Fortune Life Insurance Co. Inc., at DepEd, ang nag-orgnisa ng event para kilalanin ang natatanging tagumpay at nagawa ng mga edukador at administrator sa bansa.
Ang awarding ceremony ay sinasabing bahagi ng Value of Hard Work and Discipline Advocacy Program na layuning ituro sa mga mag-aaral at guro ang kasipagan at disilipina.
Bilang guest of honor, dumalo naman sa aktibidad si Briones para maging inspirasyon sa mga edukador at administrators habang ipinagpapatuloy ang pagiging kampeon sa edukasyon sa hinaharap.
Hinimok din ng dating kalihim ng DepEd ang lahat na ipagpatuloy ang pasisikap at maging mabuting halimbawa sa mga bata at kapwa edukador sa bansa.
Pinarangalan naman sa seremonya ang nasa limang outstanding DepEd administrators (Division Superintendents, Assistant Superintendents, Division Administrators, DepEd Division Staff, Education Supervisors, Principals at Assistant Principals) at lima pang guro (Teacher 1 hanggang Master Teacher). (Gilbert Perdez)