Hinikayat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga lokal na pamahalaan na simulan na ang innovation sa sektor ng edukasyon.
Ito’y matapos purihin ni Duterte ang Lungsod ng San Juan dahil sa pamamahagi ng tig-i-isang gadget, kabilang ang fiber optic internet connection sa bawat estudyante sa 13 pampublikong paaralan.
Ayon sa pangalawang pangulo, dapat gayahin ng iba pang Local Government Unit (LGU) ang proyekto ng San Juan para sa internet connectivity upang mapaganda ang kalidad ng edukasyon.
Magugunitang pinarangalan ang San Juan bilang Best Pandemic Response sa “Galing Pook” Awards at kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa best education noong kasagsagan ng pandemya. – sa panulat ni Jenn Patrolla