Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga makabagong hakbang at istratehiya ng mga local government units (LGUs) sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nakakabilib ang ‘out of the box’ strategies ng ilang lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Sa San Luis, Pampanga, inilatag ang “Baka Para sa Bakuna” project kung saan simula sa Hulyo ay magpapa-raffle ng baka ang LGU para sa lahat ng mga bakunadong indibidwal.
Tuloy naman ang lingguhang pa-raffle ng 25 kilograms ng bigas sa Sucat, Muntinlupa habang nagsasagawa ng Pagbangon Census 2021 sa Baliwag, Bulacan upang mabatid ang pulso ng mamamayan ukol sa bakuna.
Ayon kay Año, akma sa ‘new normal’ ang aniya’y ‘strategize efforts’ ng mga lokal na pamahalaan na mahalaga upang maabot ang target na ‘herd immunity’ ngayong taon.