Umabot na sa 29 ang person under investigation dahil sa posibleng novel corona virus sa buong bansa.
Kasunod ito ng kumpirmadong kauna–unahang kaso ng nCoV sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 18 sa Metro Manila, 4 sa Central Visayas, 3 sa Western Visayas, 1 sa Mimaropa, 1 sa Eastern Visayas, 1 sa Northern Mindanao at 1 sa Davao.
23 sa mga ito ang naka admit sa ospital habang 5 naman ang na discharged na ngunit isinasailalim sa istriktong monitoring ng mga health authorities.