Tumaas ang bentahan ng insect repellent sa Brazil.
Ito ay dahil sa pangamba ng mga mamamayan ng Brazil na makagat ng lamok dahil sa zika virus.
Ayon sa isang manufacturer, papalo sa 800 porsyento ang insect repellent sales mula December 2015 hanggang January 2016.
Lumalabas na 54 na milyong dolyar ang itinaas ng mga naibentang insect repellent nitong 2015 kumpara sa 36 na milyong dolyar na sales noong 2014.
Tiniyak naman ng mga parmasiya sa Brazil na dadagdagan pa nila ang suplay ng repellents sa merkado.
By Ralph Obina