Sa susunod na taon pa ipatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI), ang incentives strategy para sa mga Electric Vehicles (EVs).
Sa ilalim ito ng panukalang Electric Vehicle Incentive Strategy kung saan nais ng DTI na gawing transparent, performance-based at targeted ang fiscal at non-fiscal support para makaengganyo ng electronic parts at iba pang strategic components.
Ayon kay Trade Undersecretary Rafaelita Aldaba, P83-B na fiscal support ang planong ipagkaloob ng DTI para sa EVs.
Pero pinag-aaralan pa ito kung babaguhin base sa pagtaya ng demand sa electric vehicles.
Bukod sa insentibo, ipinatutupad din ng DTI ang fiscal incentives sa EV parts manufacturing at charging facilities.
Ang mga EVs ay mayroong income-based incentive tulad ng Income Tax Holiday at Tax-free Importation ng capital equipment at raw materials.