Irerekomenda ng National Task Force against COVID-19 ang pagkakaloob ng insentibo sa mga bakunadong indibidwal at disincentive naman sa mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon, sa ganitong paraan ay makukumbinsi ang publiko na magpabakuna na.
Sinabi pa ni Dizon na imumungkahi nila ang mga hakbang ng Estados Unidos, Japan, Singapore, at South Korea, kung saan mahigpit na ipinatutupadang mga patakaraan para sa mga vaccinated at unvaccinated individuals.
Sa mga naturang bansa ay limitado lamang aniya sa mga bakunadong indibidwal ang pagpasok sa indoor places, gaya ng restaurant, sinehan at maging ang turismo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico