Aabot sa P3 milyon ang inilaang insentibo ng pamahalaan para sa mga indibidwal na nagpabakuna na kontra COVID-19.
Layunin ng bakunado panalo program na mahikayat ang maraming Pilipino na magpabakuna upang makamit na ang herd immunity.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, magsisismula ngayong buwan ang monthly draw kung saan 100 winners ang bubunutin.
Sa grand draw, 10 ang bubunutin para sa third prize na tig-100,000 piso, isang entry para sa ₱500,000 sa second prize, at sa first prize ay isang milyong piso ang makukuha ng maswerteng bakunado sa grand draw sa Disyembre.
Ang Department Of Health ang mangangasiwa sa monthly at grand draw.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico