Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (afp) ang pangha-harass ng Chinese navy sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, kanila na nilang hinihingi ang mga video o larawan na matukoy ang pinagmulan ng insidente.
Dagdag pa ni Arevalo, nakababahala ang ulat ng pangha-harass ng sasakyang pandagat ng China sa loob pa mismo ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Mababatid na ang pangha-harass ng mga barko ng China ay inulat ng isang TV reporter matapos na harangin sila ng barko ng Chinese coast guard nang papunta ang kanilang barko sa Ayungin Shoal.
At nang pabalik na ang mga ito sa Palawan ay dalawang Chinese missile boats naman ang humabol sa kanilang grupo.
Sa huli, tiniyak ni Arevalo na sisiguruhin ng AFP na tutupad sila sa kanilang mandato na pangalagaan ang mga Pilipino at protektahan ang soberanya ng Pilipinas.